Thursday, August 13, 2009

USAPANG MUNI-MUNI

Every now and then may naiisip tayong mga gustong gawin sa buhay. Mga wants and needs or dreams na pinipicture sa isip natin habang nagdi-daydream tayo.

Every now and then we take a halt sa mundane task natin everyday para magmuni muni sa mga gusto nating gawin at maging sa mga nagdaaang mga pangyayari sa buhay natin.

Madalas kong ginagawa ang pagmumuni muni. At napansin ko lang kahapon, na parang cue rin pala ang mga usual na ginagawa ko para paulit ulit kong naiisip ang mga madalas kong iniisip. Gets nyo???

Mula ng ibenta ko sa magtatalaba ang aking super oldy na si boknoy...bumalik ako sa pagcocommute...at kasabay ng pagsakay sa pampublikong sasakyan ay naging habit ko na rin na pinipinta sa isip ko ang pinapangarap kong susunod na kotse. Kung saan ako kukuha ng pambili. Kung kaya ko ba talagang bumili. Kung alin ang mas magandang kulay. Kung saan ako posibleng magpunta sakaling meron na akong kotse. Minsan nagtatalo pa sa utak ko kung makakabili nga ba ako o hindi na. At walang poknat yan...yan lang ang naiisip ko habang bumibiyahe ako papuntang opisina lalo pa't nasasakyan ko ay buwakaw na jeepney driver. At yan din ang naiisip ko habang nakikipagsiksikan sa jeep pauwi sa hapon at nadidikit ang balat ko sa katabi kong naglalagkit o kaya naman ako mismo ang nanlalagkit. Haaaaaaaay.

Sa bahay naman, kapag pumasok nako sa CR at nagsindi ng yosi para magbawas...at kung minsan ay pinipilit lang magbawas para lang may dahilan para makapagyosi, ang paborito ko namang iniisip ay ang magiging itsura ng ipapagawa naming bahay. Kung ano ang mga ilalagay kong features sa bahay. Anong kulay ng pintura. Gaano kalaki ang mga espasyo ng bawat portion ng bahay. Anong halaman ang ilalagay ko sa harap. Anong decors ang ikakalat ko sa kabahayan at kung anu anu pang detalye. Paulit ulit lang din yan tumatakbo sa isip ko kapag nasa CR na ako at may hawak ng yosi. At madalas pa, paglabas ko ng CR ay mauuwi ako sa pagsusukat ng bahay para sa naiisip kong mga detalye.

Kapag naglalaba naman ako e kadalasan masama ang epekto saken kapag sinabayan ko ng pagmumuni muni. Dito kasi natutuon ang oras ko sa pagiisip ng mga hindi magagandang pangyayari sa buhay ko. Sa pagalala sa mga taong nagdulot ng hinanakit saken mula pa sa nagdaang dekada. Gusto ko ang gawaing paglalaba. Ito ang paborito kong gawaing-bahay bukod sa paglilinis ng buong kabahayan kapag ako'y walang pasok. Pero madalas akong natatapos sa paglalaba ng mainit ang ulo. Hindi ko alam kung dahil sa pagod o dahil nanumbalik ang lahat ng hinanakit ko. Minsan pa nga nararamdaman kong hinihingal ako na akala mo ay talagang nagagalit. Kaya nga mas gusto kong may kausap kapag naglalaba ako para di ko maisip ang mga iyon. Mabuti na nga lang din at isang beses sa isang linggo lang ako naglalaba. Isipin mo na lang kung everyday ako naglalaba, aba'y para na rin akong pinagsakluban ng langit non a.

Kapag namamalantsa naman ako, doon ko naman naiisip lahat ng mga nagawa kong katangahan sa buhay. Mga maling desisyon. Mga maling nasabi. Mga maling kinilos. Mga maling nagawa. Sa oras ng pamamalantsa ko minsan naiisip na gusto kong kurutin ang sarili ko sa singit dahil sa mga kapalpakang yun.

Syempre bago matulog, oras ko naman yun ng pagmumuni muni sa buhay ko sa kabuuan. Oras ko naman yun sa Diyos. Panahon ng pakikipagusap sa kanya. Paghingi ng dispensa sa paulit ulit kong ginagawang kasalanan. At pagpapasalamat. At paghingi ng pambili ng kotse at pampagawa ng bahay. Hehe.

Ibat-ibang oras. Ibat ibang pagkakataon. Masarap magisip. Kahit may epekto. Nagiging therapeutic kung minsan. Minsan naman ay nakasasama. Sabi nga the way we think can affect our lives greatly. So make sure yung positive ang lagi nyong iisipin. Kung may gusto kayo sa buhay...claim it! In your mind, ariin nyo na. After all We are what we think!

No comments: