Di gaya ni Bob Ong na binibigyang halaga ang mga paper clips nya at nireremind pa sa editor nya na isauli ang kanyang mga paperclips, ako namay naaalibadbaran sa mga ito.
Makalat ang mga ito para sa akin. Mas gusto kong gamitin ang stapler at fastener. At para lamang kumonti ang mga paper clips sa mesa ko, kahit isang page lang na memo ang nilalabas ko ay kinakabitan ko ng paper clip.
At siguro kung may magreregalo sa akin ng paper clip sa pasko gaya ng ginawa ng editor ni Bob Ong, malamang pagkabit kabitin ko na lang ang mga ito para maging kwintas at gawing game prizes sa christmas party ng mga anak ng empleyado namen.
Sadya nga bang walang halaga ang mga ito? O hindi ko lang binibigyang halaga ang role nila?
Mga paperclips... parang mga taong laging andyan sa paligid mo, pero di mo naman kelangan.
Mga taong laging nandyan, pero pwede naman talagang kahit wala.Hehehe.
1 comment:
every person around has their own purpose in your life. It's like a movie. There are protaganists, antagonists, the support cast, and extras, and even the backstage people.
Siguro nga, hindi mo pa alam ang positibong purpose kung bakit sila nandun.
After all, sometimes it even takes a lifetime to realize that, sometimes when the person is gone
Post a Comment