Wednesday, April 15, 2009

WHAT'S IN A NAME...

MARIA BERNADETH... ang haba noh?

Yan ang pangalan ko.

Nung Grade 1 ako hirap na hirap akong isulat ang pangalang yan.

Kasi dulo't-dulo na ng papel ang naooccupy ko sa pangalan pa lang, di na kasya ang apilyedo.

At dahil left-handed pa ako at nagaadjust sa armchair ng eskwelahan namen...nagsisimula na sila sa mga susulatin nila ako nasa pangalan pa rin.

Minsan ay nagtitrip pa si Teacher, pinipilit akong pagsulatin sa kanang kamay ko habang nakaantabay ang ruler nya na ipampapalo sa kamay ko pag kaliwang kamay ang ipinangsulat ko.

Hanuba naman kasi Guro, e ayaw nga Ma'am gumalaw ang kamay ko kapag kanan ang ipinangsulat ko e.

Pilitin ba ako?

Buti na lang sinugod sya ng Tito ko at ipinaintindi sa kanya na sadyang may taong kaliwete.

Haizzz... Naisip ko dati sana ang binigay na lang na pangalan saken ng magulang ko ANA, o kaya Joy o kaya AMY o kahit JC na lang.

Yung tipong maiksi lang talaga. Buti na lang may NICKNAME.

Eventually, natutunan ko rin sumulat ng mas mabilis. Pero nung highschool na ako, nagkaron ako ng mas maraming kaibigan. At crush na din. Syempre pag highschool ka, kasama sa buhay mo ang pagsulat ng pangalan ng CRUSH mo sa likod ng notebook mo, o ng libro mo, o ng kahit san na lang sa gamit mo, ng 100X sa iba't ibang paraan ng pagkakasulat. May patayo, patagilig, kabilang patagilid, dikit-dikit, hiwahiwalay, may mabulaklak at syempre yung may mga puso puso.



Kasabay noon napagtanto ko na may mga pangalan pala na parang ang dali lang isulat. Parang saktong sakto ang pagkakatabi ng bawat letra sa isa't isa. Yung parang kusang nagfo-flow na ang kamay mo pag sinulat mo ang pangalan nila.

Tipo bang nagmaneho ka lang sa MACAPAGAL Avenue...ganon...tuloy-tuloy lang. Walang effort.

Strange noh?

At narealize ko, na ang pangalan ko sadly ay di free-flowing kung isusulat. Para bang tipong complicated ang takbo ng ball point ng ball pen mo. Parang nagmaneho ka sa LOOBAN...daming liko-liko, stop and break. Ganon.

Eventually ulit...nakatuwaan ko na rin ang pangalan ko. Mga gamit ko nung kolehiyo pa ako puro personalized. Pamaypay na may ADETH, panyo na may ADETH, bag na may ADETH, binder na puro ADETH...etc,etc.

Ngayon, everytime umaattend ako ng mga seminars, conference at kung anu-ano pang churvanezz dyan na binibigyan ka ng name tag ay iniipon ko ang name tag ko after. Kinukolekta ko na sya. Sabi nga ng anak ko kapag nakikita nya akong nagdodoodle ng pangalan ko, "Mom, adik ka sa name mo..."

Siguro natutunan ko na lang mahalin ang kung anong meron ako...after all, AKIN naman yun at yun ang meron ako. Kaya masaya na rin ako. Atleast decent naman ang name ko. May iba nga na parang pinagkatuwaan ng magulang nila ang pagbibigay ng pangalan nila. Mas mahirap naman atang ipangalandakan ang name na kada tatawagin ka ay matatawa ang mga taong nakakarinig.

1 comment:

hector_olympus said...

welcome to blogging

sulat pa!