Monday, April 20, 2009

DISCONNECTED...

Sa isang gimik bar tabi ng isang gasolinahan...
Shane
Uy, buti may time ka makipagkita ngayon?
Janred
Ha?
Shane
Sabi ko buti may time kang makipagkita...
Janred
Oo naman.
Shane
Di ka ba busy?
Janred
Busy din. Pero ok lang. (Tinawag ang waitress at umorder ng Red Horse)
Shane
Long time no see tayo a!
Janred
O nga e. Kelan nga ba tayo last nagkita?
Shane
Matagal na.
Janred
Kelan nga!? (ininom ang malamig na red horse)
Shane
2 months ago ata, yung kumain tayo ng sisig sa Dencio's.
Janred
A oo, tagal na rin pala.
Shane
Kaw e, kung di pa kita itext di mo ko maalala.
Janred
(Sinusuyod ng tingin ang mga tao sa bar)
Shane
(Nakatingin kay Janred, pilit iniintindi ang kinikilos nito.)
Janred
(Panay ang tingin sa relo.)
Shane
Nadisturbo ba kita ngayon?
Janred
Di naman.
Shane
Hiya tuloy ako sayo. Sabi mo kasi free ka today kaya naisip kong makipagkita.
Janred
Ok lang naman.
Shane
May gagawin ka pa ba sa opisina mo?
Janred
Oo e, mamaya may aasikasuhin pa ako.
Shane
Ha? E di nadisturbo nga kita. Sana kinancell na lang naten ang lakad naten ngayon.
Janred
Ok lang yun.
Tahimik...
Shane
(Sinusuri si Janred.)
Janred
(Panay tingin sa cellphone kahit walang dumarating na message o tawag.)
Shane
Kamusta nga pala trabaho mo?
Janred
Busy.
Shane
Atleast di kayo affected ng financial global crisis.
Janred
Dami nga kami job orders ngayon e.
Tahimik ulit...
Shane
(Kinakain ang order na mozzarella cheese stick)
Gusto mo?
Janred
Ayoko.
Shane
Di ba dati gusto mo rin to?
Penge na nga lang ng yosi.
Janred
Nagyoyosi ka pa rin?
Shane
Oo e, lalo na pag tensyonado.
Janred
Ah...
Ayaw mo umorder ng beer?
Shane
Kelan ba ko uminom ng beer ?!!
Janred
A o nga pala.
Shane
Di ba talaga kita nadisturbo?
Janred
Di nga sabi e.
Shane
E bakit parang wala ka rito?
Janred
Anong wala, sino pala kasama mo ngayon?
Shane
Ikaw...
Pero hindi kita maramdaman.
Janred
Asus.
Pagod lang ako.
Shane
Sana nga.
Janred
May gusto ka pang order-in?
Shane
Wala na. Di bale na lang wala nakong gana.
Janred
Nga pala, lilipat na ako by next month. Sa may Mandaluyong nako titira.
Shane
Ganon? Ang layo na non a.
Janred
Oo nga e. Maganda kasi don e.
Shane
E pano yan, out of way nako. Ang layo mo na.
Janred
(di kumibo)
Shane
(Sunod-sunod ang kain ng mozzarella cheesesticks pero di nalalasahan.)
Janred
Baka madalang na tayo magkita lalo.
Shane
Madalang ba? Baka nga di na e.
Janred
Mahihirapan na kasi ako e. Iba na ruta ko.
Shane
Sabi ko na nga e.
Janred
Alin?
Shane
Wala... Di ko malasahan ang cheesesticks. Kwento ka lang.
Janred
Saka by next month baka mas maging busy na kami sa Department namin.
Shane
Tsk! Linsyak naman o!
Janred
O, bakit?
Shane
Wala...yung phone ko, disconnected na. Ano sabi mo nga?
Janred
Baka di na tayo magkita masyado. Hindi na kita mabibigyan ng panahon.
Shane
Nagpapaalam ka na naman ba?
Janred
Di naman. Di ko lang maipapangako na maaasikaso pa kita.
Shane
Diasbled ba ako para asikasuhin? Loko!
(Natatawa, saba'y sindi ng yosi)
Janred
(Walang kibo)
Shane
Naniniwala ka ba sa kasabihan ng mga kuba...
"Magpa-miss ka daw minsan sa taong mahal mo para manabik sayo...pero wag sobra sobra na matutunan ka na nyang kalimutan." Adik noh?
Janred
(Nakatingin lang kay Shane)
Shane
Totoo pala yun.
Janred
Ganon talaga ang buhay e.
Hindi naka-fix ang mga bagay.
Shane
Anong pwede kong gawin?
Janred
Saan?
Shane
Masarap ba talaga yang red horse? Order mo nga ako ng isa.
Janred
Kala ko ayaw mo ng beer.
Shane
Lahat ng bagay nagbabago, ano ka ba!
Janred
Wag na. Di mo naman gusto ang beer e.
Shane
Bakit ba? Lahat ng bagay natututunan mong tanggapin noh.
Sa ayaw mo man o sa gusto...kelangan tanggapin mo dahil wala kang ibang option.
(Tinawag ang crew para umorder ng red horse.)
Janred
Alam ko naman somehow inexpect mo na to e.
Shane
Oo naman, all the time. In denial lang talaga ako ever since.
Janred
Mas nakabuti sana yun kung pinaghandaan mo kesa sa idenideny mo sa sarili mo.
Shane
Hah! Biruin mo wala pa sa sampung dangkal ang layo mo saken pero di kita maramdaman.
Through and through.
Parang espiritu ka lang dyan! Hahaha!
Espiritu ng alak siguro.
(Tinungga ang red horse)
Janred
Nagulat sa pagtungga ng red horse ni Shane
Shane
Dati rati malayo pa lang ako nababasa ko na ang mata mo.
Ngayon di ko na madecipher ang mensahe ng mga yan.
Paabot pa nga po ng yosi please.
Janred
Hehe, di ka na ba maka-konek?
Shane
O nga e. Disconnected na ata ako sayo.
Janred
Di bale. I know you'll be fine.
Shane
Of course! Ako pa!
Janred
Uy, 10 o' clock uwi na tayo ha. May aasikasuhin pa ko.
Shane
9 o'clock na e.
Hanep ha, mas matagal pa biniyahe ko kesa sa nagkasama tayo ngayon.
Pang-asar kasi ang traffic e.
Janred
Sige kahit mga 10:15 na tayo umalis.
Shane
Di bale na. Maigi pa mag-bill out na tayo. Baka matraffic ka pa e. Tara na!
Janred
E, alas nuebe pa lang naman a.
Shane
Ok lang, di ko din gusto ang tinutugtog ng banda dito e.
Janred
Sure ka?
Shane
Oo naman, no problem with me. Hingin mo na ang bill.
Janred
(Matapos mabayaran ang bill.)
Tara na, hatid na kita.
Shane
Di na. Ok lang ako. Magcocommute na lang ako.
Janred
E bat ayaw mo pang magpahatid tutal namen iisa ang way naten?
Shane
Tama lang to...maigi ng masanay na, habang maaga.
Ingat ka.
Text ka na lang kung nakarating ka na sa inyo.
BYE!
(Walang lingon-lingon. Diretsong sumakay ng Jeep si Shane kahit hindi nabasa ang sign board na biyahe ng Jeep na sinakyan.)
Shane
Manong bayad po!
Mamang Driver
San to, Miss?
Shane
Round trip po Manong, kailangan ko lang magpahangin.

Sunday, April 19, 2009

PAMAMAALAM...

Janred
Tapusin na siguro natin 'to. Wala namang mangyayari sa'tin e.
Shane
Kaya mo ba?
Janred
Oo. Walang choice e. Ikaw ba?
Shane
Hindi. Pero kakayanin ko. Ayaw mo na e.
Janred
Di ka masasaktan?
Shane
Loko ka pala e. Masakit syempre. Iiyakan din kita. Mga dalawang araw, o isang linggo, o isang buwan.
Janred
Sige ingat ka na lang lagi ha.
Shane
Teka, pwede magtanong?
Janred
Ano?
Shane
Minahal mo ba ako?
Janred
Wag mo nako tanungin nyan. Baka di mo magustuhan ang isasagot ko
... A year after...
Janred
Musta ka na?
Shane
Bakit andito ka? Ok lang ako, ikaw?
Janred
Namiss kita. Mahal mo pa ba ako?
Shane
Bakit minahal mo ba ako? Ay, sabi mo nga pala wag kong itanong sayo yun at baka di ko magustuhan ang sagot mo. Ano nga ba ang isasagot mo dapat?
Janred
Maniniwala ka ba kasi kung sasabihin kong HINDI?
Shane
Totoo yan? Walang halong pang-uuto?
Janred
Iniyakan mo ko?
Shane
Di naman masyado, isang taon lang.
Janred
Kung pwede lang mabuhay ulit e, hahanapin kita talaga.
Shane
Too bad. Wrong timing tayo.Di ka na aalis ulit?
Janred
Di ko alam.
Shane
Sana wag na.
Janred
Kahit naman gusto ko di naman pwede di ba?
Shane
O nga pala.
--- Mula sa Librong tinatago ko ---

DREAMING AWAY...

I had a wonderful dream this morning.
I woke up for a while to realize it was just a dream...

i sleep back hoping to hold on to the fading dream

and amazingly, as if it had known how much this dream meant to me...it continued.

Finally when i was fully awake and still feeling blissful about what happened while i was asleep,
i then understand that it could be my subconscious mind talking.

that was what i am really wishing...
it was what i've been hoping for...

but the reality forbids me to make that happen...

Then i realized...how sad could i be?
Dying to have something i can never had.

Wednesday, April 15, 2009

WHAT'S IN A NAME...

MARIA BERNADETH... ang haba noh?

Yan ang pangalan ko.

Nung Grade 1 ako hirap na hirap akong isulat ang pangalang yan.

Kasi dulo't-dulo na ng papel ang naooccupy ko sa pangalan pa lang, di na kasya ang apilyedo.

At dahil left-handed pa ako at nagaadjust sa armchair ng eskwelahan namen...nagsisimula na sila sa mga susulatin nila ako nasa pangalan pa rin.

Minsan ay nagtitrip pa si Teacher, pinipilit akong pagsulatin sa kanang kamay ko habang nakaantabay ang ruler nya na ipampapalo sa kamay ko pag kaliwang kamay ang ipinangsulat ko.

Hanuba naman kasi Guro, e ayaw nga Ma'am gumalaw ang kamay ko kapag kanan ang ipinangsulat ko e.

Pilitin ba ako?

Buti na lang sinugod sya ng Tito ko at ipinaintindi sa kanya na sadyang may taong kaliwete.

Haizzz... Naisip ko dati sana ang binigay na lang na pangalan saken ng magulang ko ANA, o kaya Joy o kaya AMY o kahit JC na lang.

Yung tipong maiksi lang talaga. Buti na lang may NICKNAME.

Eventually, natutunan ko rin sumulat ng mas mabilis. Pero nung highschool na ako, nagkaron ako ng mas maraming kaibigan. At crush na din. Syempre pag highschool ka, kasama sa buhay mo ang pagsulat ng pangalan ng CRUSH mo sa likod ng notebook mo, o ng libro mo, o ng kahit san na lang sa gamit mo, ng 100X sa iba't ibang paraan ng pagkakasulat. May patayo, patagilig, kabilang patagilid, dikit-dikit, hiwahiwalay, may mabulaklak at syempre yung may mga puso puso.



Kasabay noon napagtanto ko na may mga pangalan pala na parang ang dali lang isulat. Parang saktong sakto ang pagkakatabi ng bawat letra sa isa't isa. Yung parang kusang nagfo-flow na ang kamay mo pag sinulat mo ang pangalan nila.

Tipo bang nagmaneho ka lang sa MACAPAGAL Avenue...ganon...tuloy-tuloy lang. Walang effort.

Strange noh?

At narealize ko, na ang pangalan ko sadly ay di free-flowing kung isusulat. Para bang tipong complicated ang takbo ng ball point ng ball pen mo. Parang nagmaneho ka sa LOOBAN...daming liko-liko, stop and break. Ganon.

Eventually ulit...nakatuwaan ko na rin ang pangalan ko. Mga gamit ko nung kolehiyo pa ako puro personalized. Pamaypay na may ADETH, panyo na may ADETH, bag na may ADETH, binder na puro ADETH...etc,etc.

Ngayon, everytime umaattend ako ng mga seminars, conference at kung anu-ano pang churvanezz dyan na binibigyan ka ng name tag ay iniipon ko ang name tag ko after. Kinukolekta ko na sya. Sabi nga ng anak ko kapag nakikita nya akong nagdodoodle ng pangalan ko, "Mom, adik ka sa name mo..."

Siguro natutunan ko na lang mahalin ang kung anong meron ako...after all, AKIN naman yun at yun ang meron ako. Kaya masaya na rin ako. Atleast decent naman ang name ko. May iba nga na parang pinagkatuwaan ng magulang nila ang pagbibigay ng pangalan nila. Mas mahirap naman atang ipangalandakan ang name na kada tatawagin ka ay matatawa ang mga taong nakakarinig.

EFFORT NA EFFORT NA PRESENTATION =)

I made a presentation for our employees the last time we had an assembly. I took the chance to give them a short discussion about environmental awareness and left them with this simple short video i made together with the help of my staff on the editing. The kids with banners are actually the kids/pamangkin of my co-workers, without them knowing what we were brewing. I just asked them to take a picture of their kids with the banner i gave them. Oh by the way, my son is there too.

Pagtyagaan nyo na obra ko...hehe .
http://adethfrancisco.multiply.com/video/item/4/my_environmental_video.wmv


Monday, April 13, 2009

THE EARTH HOUR




March 28, 2009 Environmental Sectors were calling the people to unite for the earth hour. To turn off the lights for an hour...one hour of inconvenience...and it would make a huge difference.

The skeptics says it was pointless...with all the advertisement for the earth hour, the money used for the advertisement could have been used to other worthwhile activities promoting environmental awareness.

But for other people, such as I am, it was a small step towards being concerned with Mother Nature. And then with this one small step...there would be another...and another. Each tiny steps gets us closer and closer to our goal.
It was a pity nonetheless that during the earth hour, it was only our house that was dimmed within our block. None of my neighbors even bothered to care. It will still be a long road for all the people to be involved in the fight to preserve the environment. Preserving the world not just for us, but also for the kids who needs a place to live as well.

RAPE!!! RAPE!!! RAPE!!! TAMA NA!!!

I was really astounded when i heard the news about the Austrian Dad who raped and kept her daughter in a dungeon of their own house for two decades and even fathered several children with her. And this man even has the guts to beg for sympathy from the people as he claims that he is not a "monster" as what the media is portraying him..DUH??!!! Well, true...he might not be a monster...he is EVIL!!!!!!!!!
Kaliwa't kanan ang mga news about RAPE.... Grrrrrrrr... bakit ba!!!!!!!! Yeah, i do understand that SEX invades the mind of male species most of the time, if not ALL the time. Hell yeah, females also think about sex every now and then, but not as much as Males do. Unless that female is a nympho or almost like one. But for males..its naturalle...
Kaya lang di ko maintindihan ang mga lalaking di mapigil ang sarili. Eh ano kung sexy ang ibang babae o provocative o vulgar??? They should still learn to contain their head up there and especially their head down there. Kung di na talaga kaya...kaya nga may mga trabahong ang main trade ay sex di ba???...magbabayad ka nga lang. But that is better than raping someone. I mean, I do not condone that kind of job but in comparison to committing a crime such as rape...aba'y magisip naman kayong mga lalaki. Ilang minutong pagrerelease ng body temperature lang ang problema nyo, sisirain nyo pa ang buhay ng biktima nyo or buhay nyo mismo. Sinasabi nyo bang mas malakas ang ulo nyo down there kaya't naooverpower ang decision ng ulo nyo sa itaas? C'mon...
Nakakainis kasi makarinig ng ganyang bagay... lalo na't wala akong naririnig na lalaking NA-RAPE ng babae. Sexual harassment sa lalaki ng babae baka pwede pa...pero simple lang ang reason don...Pag delicious ( o kahit "pwede na" level na lang) yung girl na nagiinitiate ng act, talo-talo na yun... Pag di acceptable, saka sumisigaw ang isang lalaki ng "harassment".. Parang sa sinabi sa isang pelikula...pag pangit yung susunod-sunod sayo...STALKER! Pag-gwapo o maganda...ADMIRER!!! Tsk, tsk... Im talking about female-male lang ha. Ibang usapan yung male-gay or male-male na mahilig sa male...hehehe, you know what i mean. Yung mga balbon na deprived somewhere...Ayun, dumadami na ang kinakalaban ko...hehe
Isa pa, ano nga ba kasi ang mabigat na maidadahilan ng isang lalaki at nangri-rape siya? Sasabihin mo rin bang.."kasi mahirap ka..." o "kelangan lang ng pamilya mo..." o "pangtustos sa kahirapan..." gaya ng sinasabi ng mga snatchers or holdapers???
Nweiz, going back... sana kasi nilagyan na lang ang mga babae ng defense mechanism ng manlilikha againts these acts e. Katulad ng praying manthis di ba? Pag nakipag-mate ung male, yun na din ang katapusan nya dahil outright after the mating period, ika-crush ng female mathis yung head ng male mathis. Pero masyadong disgusting naman yung paraan na yun kung katulad tayo ng praying manthis... i dont want somebody else's blood all over me noh...
Anu nga kaya kung merong defense mechanism ang mga babae na kapag pinilit sila to have sexual intercourse (as in rape talaga ha...with all the drama of pagpupumiglas and all...) eh makakapagproduce ang body ng babae ng poisonous body fluids that could kill their predator within 24 hours. O di ba, bawas pa trabaho ng mga pulis at korte on dealing with rape case kasi automatic e, 24 hours after ng ginawang panghahalay...tapos na rin sya. Burado na sa mundo. Di na makakaulit. He deserves pa what he did.
Malamang kung may ganon, maraming lalaking matututong magpigil. Kelangan nga lang talaga ata ng tao ng katatakutan para lang maging disciplinado. Hay naku...occupy your minds with other things kasi. Ang dami pang bagay bagay sa mundong interesante bukod sa tawag ng laman noh...

ALTRUISM

ALTRUISM... put simply as a selfless concern for the happiness and welfare of other people. It is when you do something for someone without expecting something in return. In today's highly individual and selfish world, it is rather difficult to come across examples of altruism. Sa isang pagaaral nga na ginawa ng Reader's Digest Asia tungkol dito...nagrank ang Philippines as one of the lowest country na nagpapakita ng altruism sa mga tao nito. If you noticed, in western countries...people are more helpful compared to asians... no underlying discrimination on that. Kapag nagkalaglagan ang mga dala ng taong nasa unahan nila, mapababae man yan or lalaki, tinutulungan nila. Although i would not discount the fact that probably the reason why ingat tayo sa pagtulong sa isang total stranger e dahil marami ang mapagsamantalang tao. Cautious lang siguro tayo that's why. Dahil marami ring cases ng crime ay nagsisimula sa sobrang pagtitiwala sa isang taong ngayon mo lang nakilala.

But still, a slightest concern for a total stranger could go a long way if only we are willing to involve ourselves. Of course, with great caution pa rin para di naman macompromise ang safety naten. There would always be that feeling inside you that says...u need to help that person...then you would either decide to go with your instinct, or just shrug it off.

Like what i experience recently that really made me felt guilty. I was on my way home from work. I decided to just walk my way home instead of riding the tricycle para makapagexercise na rin...at makatipid just the same. As I was entering the main gate of the subdivision, nakasalubong ko ang isang lola...she was wearing a robe and a furry slippers. I thought for a while that it was kind of strange for the lola to be wearing that outfit and going out. It was more like pang-kwarto na get-up kasi.. you know, like when you feel like hybernating in your room lang...parang ganon. Adding to that, she looks like she's in a daze...In that instant, i wanted to talk to her, ask her where she's going...coz for me, something was just not right with her. But because she's a total stranger to me...i shrug it off..passed by her...go on with my walking. Although she was still in my mind until i reached home. I even told my husband about her.

Come weekend, we heared mass in the multipurpose hall. After the mass, there was this announcement, a family was looking for their family member who was believed to be missing and that they were gathering info about the missing member. The picture was placed near the altar for the people to check on it...i was so curious because probably deep inside i already knew that i would find a familiar face. Yes, she was the same lola that i run into days ago. I felt really bad about it. I felt that I could have done something during that time, but chose to just not care. Where did the ALTRUIST in me just went when it was needed? Since it was far too late for me to do something about it, i just said a silent prayer that the lola would be found soon by her family. And swear to myself that next time, if i be given a chance to help...i will try my best to help and be more sympathetic with others.